 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Taya' ni Msgr. Noel |
| 08 July 2022 |
| |
|
Handang suungin ng isang nananalig ang lahat ng panganib. Ang sinumang nagpasya para kay Hesus ay handang magtaya ng buhay para sa kanyang aral. Ang pagsaksi (sa wikang Griego ay 'martyrion') ay isa sa patunay ng kredibilidad ng ebanghelyo. Kapani-paniwala ang mensahe ni Hesus sapagkat pinaninindigan ng tagasunod Niya ang mga pagpapahalaga ng Kaharian ng Diyos.
"Sinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat," babala ni Hesus sa kanyang mga alagad. Kapag ang kasamaan ay naging 'new normal' sa isang lipunan, nagmimistulang masama ang taong gumagawa ng kabutihan. Sa lugar ng mga mandaraya at tiwali, ang mga tapat at totoo ang inuusig at pinapatay.
Ang relihiyong Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa ritwal at seremonyas. Ito ay isang pasya ng buhay. Ang nananampalataya ay tumaTAYA para sa Diyos at sa kanyang mga utos.
*Biyernes sa Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|