 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pinagpala' ni Msgr. Noel |
| 12 July 2022 |
| |
|
Ang pinagkalooban ng maraming biyaya ay hihingan ng katumbas na pagtugon. "From everyone to whom much has been given, much will be required..."
Maraming pagpapalang tinanggap ang mga lugar na binanggit ni Hesus sa ebanghelyo. Ang Capernaum ay kanyang sariling bayan; sa Betsaida naganap ang nagparami ng tinapay; at Corazin ang lugar kung saan naroon ang luklukan ni Moises.
Sa kabila ng lahat, ang mga naninirahan sa mga lugar na ito ay hindi tumugon sa panawagan ng pagbabalik-loob. Kaakibat ng malaking pribilehiyo ang mabigat na pananagutan.
Bilangin natin ang ating mga pagpapala. Paano natin ibinabalik ang mga ito sa Diyos sa anyo ng paglilingkod sa kapwa?
*Martes sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|