 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Diwa' ni Msgr. Noel |
| 15 July 2022 |
| |
|
"Binigyan niya ng mukha ang awa ng Diyos." Ito, ayon sa media, ang isang malaking pagpapabagong naganap nang mahalal si Pope Francis bilang Santo Papa. Pinuntahan niya ang mga piitan. Nakipag-usap sa mga itinuturing na makasalanan ng lipunan. Nilabag niya ang mga pormalidad at protocol ng kanyang posisyon para dalhin si Hesus sa mga tao. Aniya, hindi dapat gamitin ang batas para parusahan ang tao, kundi upang lumago siya sa kanyang pagkatao. Maraming "nilabag" na batas si Hesus para ipahayag ang pamamayani ng diwa ng batas kaysa sa letra nito. Nilabag niya ang makitid na pag-unawa sa batas para sundin ang tunay na diwa nito. "Habag ang ibig ko at hindi hain." Higit na mahalaga ang kagalingan ng tao. Hindi dapat maging hadlang ang makitid at literal na pag-unawa sa batas para matupad ang tunay na layunin nito. Napapanahong paalaala sa ating lipunan ngayon: ang diwa ng batas ay para sa pag-unlad ng tao. Ginawa ang batas ay hindi upang manggipit at mambusabos. Ang layunin nito ay upang itaguyod ang kabutihan ng buong (whole man) tao at ng lahat (all men) ng tao.
*Biyernes sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|