Sa Isang Salita: 'Hinog' ni Msgr. Noel
16 July 2022
 
Hindi masarap ang hinog sa pilit. Kailangan ang sapat na panahon ng paghihintay para hindi masayang ang bunga.

May karunungang mapupulot sa bawat paghihintay. Sinasanay nito ang ating puso. Sinusubok ang ating pasensya. Inihahanda ang ating loob sa darating. Binubuksan ang mga posibilidad ng biyaya.

Maging si Hesus ay hindi nagdumali sa pagtupad sa kanyang misyon. Sa harap ng mga pagbabanta ng kanyang mga kalaban, nanatili siyang tahimik at panatag, sapagkat hindi pa dumarating ang "oras." Malinaw sa kanya na ang lahat ay nagaganap sa panahong itinakda ng Ama.

We Christians are a people of Kairos. Naniniwala tayo na bawat panahon ay sandali ng biyaya. Bawat yugto ng panahon ay oras ng Diyos. Walang dapat masayang na sandali sa pagtugon sa tawag ng paglilingkod.

*Sabado sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN