 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Sagana' ni Msgr. Noel |
| 20 July 2022 |
| |
|
Ang pagtanggap sa mensahe ni Hesus ay parang pakikinig sa radyo. Kailangang nakatutok ka sa tamang frequency. Kahit walang patid ang pagta-transmit ng signal ng paborito mong istasyon, hindi mo ito maririnig kapag naka-'tune-in' ka sa ibang frequency.
Nakatutok kaya tayo sa 'frequency' ng Diyos? Mayroon kaya tayong angkop na disposisyon para tumanggap ng kanyang mensahe?
Sa Talinghaga ng Manghahasik, sa iba't ibang klase ng lupa nahulog ang mga binhi. Wala itong piniling lugar - tabing daan, batuhan, dawagan at mabuting lupa.
Walang tigil ang Dakilang Manghahasik sa pagtatanim ng binhi ng Salita sa ating mga puso. Ang Salita ng Diyos ay para sa lahat; walang pinipiling tao. Pero tanging ang mga taong may disposisyong maka-Diyos ang nagbibigay ng saganang bunga sa Salita.
Ayon kay John Kavanaugh:"As long as we breathe, there is more of our lives to open, to unlock. There is always more of us that we might let God enter. There is no end to the ways that the Word of God can fully take on our flesh."
*Miyerkules sa Ikalabing anim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|