Sa Isang Salita: 'Kwento' ni Msgr. Noel
21 July 2022
 
"May kwenta ang kwento." Sabi ni Anthony de Melo: "Beware of stories... they have the power to worm their way into your hearts."

Mahalaga ang istorya sa ating relihiyon. Ito ang lengguahe ng misteryo. Ang hindi kayang ipaliwanag ng konsepto, kayang ilarawan ng kwento. Madali itong unawain, kahit ng mga bata, sapagkat nagsasalita ito sa ating puso.

"Ang mga may tainga ay makinig," sabi ni Hesus. Hindi lahat ng nakakarinig ay handang umunawa. Alam ito ni Hesus. Ginamit niya ang kapangyarihan ng kwento para magturo. Nangaral siya sa pamamagitan ng mga talinghaga.

'The church is a story-telling people.' Tungkulin nating ikwento ang istorya ni Hesus. Tuklasin ang kapangyarihan nitong magpabago ng buhay.

Sa lipunang nawawalan ng lasa sa katotohanan dahil sa paglaganap ng fake news at huwad na ideolohiya, ang kwento ay mabisang vehiculo ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.

*Huwebes sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN