Sa Isang Salita: 'Maliit' ni Msgr. Noel
25 July 2022
 
"Small things matter." Sa mga mumunting bagay nagsisimula ang malaki at dakilang bagay. Sa mata ng Diyos, may halaga ang mga maliliit na kabutihang ginagawa ng tao sa kapwa.

Maraming pagkakataong ang inaakala nating "maliit na bagay" ay malaking bagay pala para sa iba. Ang mga kabutihang hindi natin itinuturing na mahalaga ay makagagawa pala ng malaking pagkakaiba sa buhay ng lipunan.

Ganito ang Kaharian ng Diyos. Tulad ng butil ng mustasa, na "pinakamaliit sa lahat ng binhi," nagsisimulang maghari ang Diyos sa mumunting kabutihang ginagawa natin araw-araw. Sa takdang panahon, payayabungin at pagbubungahin ng Diyos ang lahat.

Hindi tayo dapat manghinawa kung tila hindi magbubunga ang ating mga pagsisikap. Ang Diyos ang magbibigay-kaganapan sa ating pinasimulan. Wika ni San Alfonso: "There are small beginnings but God can make great things rise from weak beginnings."

*Lunes sa Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN