Sa Isang Salita: 'Dawag' ni Msgr. Noel
26 July 2022
 
Sa bawat gubat ay may ahas. Sa Labindalawang Apostol ay may Judas. Sa taniman ng trigo ay may dawag.

Ipinaliliwanag ng talinghaga tungkol sa "masasamang damo sa bukid" ang pag-iral ng kasamaan sa mundo. Walang tigil ang pagkilos ng pwersa ng kadiliman. Tila nais nitong talunin ang pamamayani ng kabutihan.

Ang ating puso ay isang lugar kung saan naglalaban ang dilim at liwanag. Kapwa trigo at dawag ang nakapunla dito. Sa kaibuturan ng puso ng tao, una nating nararanasan ang pagtutunggali ng kasamaan at kabutihan.

Sa bawat paggawa natin ng masama, pinalalakas at pinatitingkad natin ang presensya ng kasamaan sa ating lipunan. Hindi tayo dapat mawalan ng loob sa paggawa ng mabuti. Wika ni San Pablo: "Do not be overcome by evil; overcome evil with good."

*Kapistahan ni San Joaquin at Sta. Ana, Martes sa Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN