 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagtuklas' ni Msgr. Noel |
| 27 July 2022 |
| |
|
Ang buhay ng tao ay isang istorya ng pagtuklas. Sa sandaling matagpuan natin ang hinahangad ng ating puso, handa tayong isuko ang lahat para makamtan ito.
"When you let go, you create space for better things to enter your life."
Inihalintulad ni Hesus ang paghahari ng Diyos sa natatagong yaman o mamahaling perlas. Kapag natuklasan natin ang halaga nito, mababago ang takbo ng ating buhay. Maisasaayos natin ang ating mga prioridad. Magagawa nating iwan ang lahat para makamit ito.
Ganito ang buhay na tinahak ng mga banal na tao. Sa pagtalikod nila sa lahat ng kayamanan ng mundo, nakamtan nila si Hesus, ang tunay na yaman ng ating buhay.
*Miyerkules sa Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|