Sa Isang Salita: 'Dagat' ni Msgr. Noel
28 July 2022
 
Malawak ang lambat ng Panginoon. Dito ay may lugar para sa lahat. Sa karagatan nitong mundo, inihuhulog ang lambat ni Hesus para anyayahan ang lahat na mapabilang sa paghahari ng Diyos.

Malawak ang dagat. Subalit mas malawak ang pag-ibig at awa ng Diyos sa mga makasalanan.

Iba't ibang klase ang tao, sari-sari ang paraan ng pagtugon. Subalit kailangan nating maging marapat sa paghahari ng Diyos. Pagdating sa daungan, "pagbukud-bukurin ang mga isda: titipunin sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta."

Handa ba tayong magpahuli sa lambat ng Panginoon? At saan natin nais mapabilang?

*Huwebes sa Ikalabing-pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN