Sa Isang Salita: 'Myopic' ni Msgr. Noel
29 July 2022
 
'Nearsighted' o 'myopic' ang tawag sa sakit sa mata na nakakakita lang sa malapit. Kailangan ang tamang grado ng 'corrective eyeglasses' para makakita ito ng mga bagay mula sa malayo.

Ganito rin ang nararanasan ng tao kapag may 'bias' ang pagtingin sa kapwa. Ikinakahon niya ang tao sa makipot niyang pagkakilala dito. Ang pagiging 'myopic' ay maaari ring iangkop sa ating mga paniniwala. Kapag sarado ang isip, nakapinid na rin ang puso para maunawaan ang mas malawak na realidad ng lipunan.

Ang mga kababayan ni Hesus ay biktima ng ganitong sakit. Nakaligtaan nilang makita ang pagkilos ng Diyos sa buhay at pangangaral ni Kristo dahil sa kanilang makitid na pananaw. Naging bilanggo sila sa kanilang sariling pagkakilala: "hindi ba't ito ay isa lang anak ng karpintero..."

Sabi ni San Pablo: "magbago kayo ng isip." Ang katumbas nito sa salitang Griego ay metanoia. Kailangan nating lumampas sa ating makipot na makataong pananaw, isuot ang 'corrective lens' ng pananalig upang maunawaan natin ang pagkilos at plano ng Diyos sa ating buhay.

*Kapistahan nina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro/ Biyernes sa Ikalabing-pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN