 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Sangkot' ni Msgr. Noel |
| 04 August 2022 |
| |
|
"Sino ako para sa inyo?" Ang TANONG ni Hesus kay Pedro ay tanong din para sa bawat isang Kristiyano.
"Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos." Ang SAGOT ni Pedro ay hindi katapusan, kundi pasimula, ng programa ng kanyang buhay at misyon. Ito ay may malalim na kahulugan sa buhay ng isang nananalig.
Isinasangkot natin ang ating buhay sa mga salitang ating ipinapahayag. We implicate ourselves in the faith we profess. Kapag sinabi natin, dapat natin itong panindigan. Ganyan ang saksi. Kasangkot na tayo sa simulain ni Cristo. What we confess with our LIPS, we profess with our LIFE.
Pero sa kabila ng ating kasigasigan na palaganapin ang relihiyong Cristiano, tayo rin ang una-unang nagbibigay ng masamang imahe dito. Ang paggamit sa ngalan ng Diyos sa maling paraan, ang pagmamanipula sa katotohanan, ang paggamit ng kapangyarihan para manlamang sa kapwa ay pawang taliwas sa diwa ng ebanghelyo.
Matindi ang sabi ng Gaudium et Spes 19: Those Christians "must be said to conceal rather than reveal the authentic face of God and religion... While they promote the cause of the Kingdom in the doctrinal level, they are nonetheless responsible for the denial of God in the practical level."
Sa pagpapahayag natin ng "Sumasampalataya ako," nangangahulugang tayo ay mga "professing Christian," at hindi lamang "professional Christian" - Katoliko, hindi lang sa pangalan, kundi sa diwa at asal.
*Huwebes sa Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|