 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ligaya' ni Msgr. Noel |
| 05 August 2022 |
| |
|
Hindi hinahanap ang ligaya. Sa kabaligtaran, ito ay bunga ng paglimot sa sarili. Sa sandaling maghangad tayo ng ligaya para sa sarili, hindi natin ito makakamit (Guilmette). Mababaw at hungkag na kasiyahan ang dulot ng makasariling paghahangad.
Ngunit kapag inuna nating hangaring maging maligaya ang iba, saka natin mararanasan ang tunay na kaganapan ng pagkatao. Ito ang ligayang hinahanap ng ating puso.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Hesus sa mga nais maging alagad niya: "limutin ang sarili, pasanin ang krus at sumunod sa kanya." Ang paglimot sa sarili para maglingkod sa iba ang susi tungo sa buhay na maligaya. "A sad Christian is a contradiction in terms," ani Papa Francisco.
Laging may kapalit ang buhay na iniaalay. Wika ni San Francisco: sa pagbibigay, tayo tumatanggap; sa pagpapatawad, tayo pinapatawad; at sa pagpanaw, tayo nagkakamit ng buhay na walang hanggan."
*Biyernes sa Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon/ Paggunita sa Pagtatalaga ng Basilica ni Santa Maria sa Roma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|