 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Maliit' ni Msgr. Noel |
| 06 August 2022 |
| |
|
Kahit na maliit, basta't wagas ang pananalig, kahilingan ay makakamit.
Kasing-liit man ng butil ng mustasa ang ating pananampalataya, kung ito ay tapat at tunay, makagagawa tayo ng mga dakilang bagay - na higit pa sa ating inaasahan. Mas malakas ang dasal na may pananalig kaysa gawa ng tao na sa sariling galing lamang nakasalig.
Sa ating pagkapit sa Diyos, hinayaan nating ang kapangyarihan Niya ang higit na mangibabaw kaysa ating limitadong kakayahan. Kapag Siya ang kumilos, kahit ang ating kahinaan ay magiging ating kalakasan. Ang ating paglilingkod ay hindi na trabaho lamang ng tao kundi gawa ng Diyos na kumikilos sa kabila ng ating karupukan.
*Sabado sa Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|