Sa Isang Salita: 'Martir' ni Msgr. Noel
10 August 2022
 
Batas ng kalikasan na kailangang may mamatay para ang iba ay mabuhay. Batas ng kasaysayan na may magbuwis ng buhay para ang bayan ay magising at ipaglaban ang kalayaan. Batas ng ating pagkatao na pumanaw sa lumang sarili upang mabuhay bilang bagong nilalang.

Ang kamatayan ng martir, gaya ni San Lorenzo Diyakono, ay ang pinakamataas na antas ng pagsaksi kay Kristo. Tulad ng butil ng trigo na nahulog sa lupa, itinuturo nila sa atin na tanging kamatayan ang daan tungo sa buhay na ganap.

Ang buhay ng Kristiyano ay isang patuloy na pagsasanay na "mamatay" para kamtin ang buhay: mamatay sa pagkamakasarili at kasakiman; mamatay sa pagsasawalang-kibo at karuwagan; mamatay sa bisyo upang magbagong buhay.

"To die for the faith is a privilege given to a few, but to live the faith is a call to everyone" (Pope St. John Paul).

Agosto 10, Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN