Sa Isang Salita: 'Bata' ni Msgr. Noel
13 August 2022
 
Nahayag kay Hesus ang puso ng Diyos sa kanyang pagiging magiliw sa mga bata. "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata."

Ang mga bata ay sagisag ng mahihina at walang puwang sa lipunan. Ang Diyos ay may pagtatangi sa mga dukha. Pinahahalagahan niya ang mga aba at walang inaasahan kundi ang Diyos.

Sabi ni Nelson Mandela: "There can be no keener revelation of a society's soul than the way in which it treats its children."

Sa mundong ang binibigyang pansin lamang ay ang mga sikat at bigtime, nakakaligtaang pahalagahan at bigyang-pansin ang mga kapus-palad at dukha.

Tanging ang lipunang may pagpapahalaga sa mga mahihina ang matatatawag na tunay na maka-Diyos.

*Sabado sa Ikalabing siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN