 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Langit' ni Msgr. Noel |
| 15 August 2022 |
| |
|
Ano ba ang langit? Ito ba ang lugar sa likod ng mga ulap? Sabi na Papa Benedicto XVI, "heaven is not a place beyond the stars. Heaven simply means that man has a place in God."
Gaano man tayo kaliit sa harap ng kadakilaan ng sangnilikha, tayo ay mahalaga sa Diyos. Pag-ibig ng Diyos ang dahilan kung bakit tayo'y nakatakdang mabuhay kaylanman. It is God's love that "eternalizes" us. Higit na makapangyarihan ang pag-ibig ng Diyos kaysa kamatayan. Totoong may 'forever!'
Ito ang ipinapaalaala ng Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen. Bilang unang disipulo ng kanyang Anak na si Hesus, si Maria ang unang tumanggap ng biyaya ng pagliligtas. Matapos ang kanyang paglalakbay sa lupa, nakamtan niya ang tanging lugar sa puso ng Diyos.
Dito man sa lupa, pwede nang danasin ang langit. Sabi ni Sta. Teresita, gugugulin ko ang ang langit sa paggawa ng kabutihan sa lupa.
Sa diwa naman ng sinabi ni San Pablo, 'heaven means to be in Christ.' Mananatili tayo kay Kristo kung tayo ang magiging 'Siya' sa diwa at gawa. At magiging langit itong bahagi ng mundo.
*Agosto 15, Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|