 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Karibal' ni Msgr. Noel |
| 16 August 2022 |
| |
|
Magkaugnay ang kahulugan ng maging 'dukha' at maging 'malinis' sa biblia. Sa karukhaan, ipinapahayag ng isang tao na Diyos lamang ang kanyang tanging yaman. Hindi siya nanghahawakan sa salapi at ari-arian. Sa kalinisan, inilalaan ng isang tao ang kanyang buong buhay sa Diyos. Walang kahati ang kanyang buhay sa paglilingkod. Maging ang yaman ay hindi kayang agawin ang kanyang puso.
Ani Hesus, napakahirap pumasok sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman. Bakit? Maraming karibal. Malaki ang tukso ng paghahangad. Inaagawan nito ang Diyos ng lugar sa ating puso.
Mahirap maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. Walang Kristiyanong salawahan. "To be poor is to be pure." Nagtatagpo ang karukhaan at katapatan sa buhay ng isang nanalig.
Ang pusong dukha at malinis ay may malawak na lugar para sa Diyos.
*Martes sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|