 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patas' ni Msgr. Noel |
| 17 August 2022 |
| |
|
Sa katapusan ng buhay, iisang gantimpala ang naghihintay; iisang langit ang kaganapan ng ating pagpapagal. Mahaba man o maiksi ang panahong ating ginugol sa paglilingkod, ang Diyos ay magkakaloob ng abot-abot na pagpapala, 'siksik, liglig at umaapaw.' Lahat ay pantay-pantay langit. Iisang gantimpala ang pagbabahaginan: ang makasalo sa buhay at pag-ibig ng Maykapal.
Sa ating makataong pananaw, tila hindi patas ang Diyos. Ayos lang ba na tumanggap ng iisang premyo ang lahat ng taong mabuti, kahit ang ilan dito ay sa dapithapon na ng buhay nila naglingkod?
Subalit iba ang pamantayan ng pag-ibig. Hindi ito 'maisip.' Hindi nagbibilang ng gawa. Ang taong nagmamahal ay hindi naghahambing ng sarili sa iba. Alam niyang sa kanyang gawa, tinanggap na niya ang gantimpala.
Ganito ang saloobin ni San Agustin. Aniya, "Too late have I loved you." "Kung nakilala na kita agad noon pa man, sana'y mas matagal kitang napaglingkuran." Ito ang pananaw na maka-Diyos. Ang sukatan ng pag-ibig ay pag-ibig na walang sukatan.
*Miyerkules sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|