 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pag-ibig' ni Msgr. Noel |
| 19 August 2022 |
| |
|
Si Victor Frankl ay isang Jewish survivor ng Shoah (Holocaust) noong panahon ni Hitler. Nang matapos ang pagkabilanggo sa concentration camp, napagtanto niya ang dahilan kung bakit napagtiisan niya ang lahat ng pasakit at pagdurusa roon. Ito ay ang pagtugon sa malalim na paghahanap ng puso sa kahulugan ng buhay.
Aniya, "the primordial human drive is not the desire for pleasure but the search for what in life man finds meaningful."
Ano ang pupuno sa hungkag na pag-iral ng tao? Sa ebanghelyo, inihayag ni Hesus ang pinakadakilang utos: pag-ibig. Walang ibang daan tungo sa buhay kundi ang magmahal. Sabi ni Santa Teresita, "my vocation is love."
Hindi nauubos ang ating sarili pag inihahandog ito sa Diyos. Makakamtan lang natin ang buhay sa pag-aalay nito.
*Biyernes sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|