 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Makipot' ni Msgr. Noel |
| 21 August 2022 |
| |
|
Mahirap pumasok sa pinto ng langit, sabi ng isang pantas. Bakit? Sapagkat tayo lamang ang kasya sa pintuan. Tamang sukat lang. Ang ating pagkatao, hindi ang mga bagahe at pag-aari, ang kikilalanin sa langit.
Sa ebanghelyo, sinabi ni Hesus: "pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan... malawak ang daan tungo sa kapahamakan."
Ang pagpapakabuti ay isang desisyon. Kapag pinili natin ang daan ng katwiran, nililimitahan na natin ang ating pagsasalita at pagkilos. Lahat ng ito ay dapat maayon sa nauna nating pasya.
Hindi ito hadlang para maging malaya. Kapag ang isang lalaki ay nagpakasal, lahat ng kanyang pasya ay limitado na ng kanyang piniling buhay. Sabi ng marami, "nakatali na" at "hindi na malaya." Ang totoo, higit siyang malaya na mahalin ang kanyang kabiyak.
Sa pagpili natin sa makipot na daan ng pagpapaka-Kristiyano, higit na malaya ang ating puso para sa Diyos.
*Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|