 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Hipokrito' ni Msgr. Noel |
| 22 August 2022 |
| |
|
Ang salitang pinagmulan ng 'hipokrito' ay salitang Griego, "hypokrites," na ang kahulugan ay 'aktor' o 'stage player.' Ang aktor ay gumaganap ng papel na hindi sumasalamin sa kanyang tunay na pagkatao. Umaarte lang siya ayon sa hinihingi ng script.
Sa ebanghelyo, tinawag ni Kristo ang mga eskriba at pariseo na mapagpaimbabaw (hipokrito). Ang kanilang pagsunod sa batas ay pakitang tao lamang. Hindi bukal sa loob. Superficial. Ang kanilang pagsamba ay hindi tunay na ekspresyon ng kanilang niloloob.
Higit pa sa seremonyas at batas ang pagiging Katoliko. Ang ating relihiyon ay relihiyon ng puso. Sabi ni Henri Nouwen, "our heart is the only place where we are most real." Hindi pwedeng magkunwari ang puso. Dito, wala tayong maitatago. Sa puso nagmumula ang mga pasya at gawi.
Pagsumikapan nating maging banal hindi lang sa kilos at anyo, kundi sa kalooban at puso.
Lunes sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|