 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tingni' ni Msgr. Noel |
| 24 August 2022 |
| |
|
Bihira ang pinagkakalooban ng biyaya na 'makita' ang Diyos. Isa na rito si Jacob. Tinawag siyang "Israel," dahil nagkapalad siya na makaranas ng makalangit na pangitain.
Nang tawagin si Natanael (Bartolome), sinabi ni Hesus sa kanya, "Halika at nang iyong makita." Nang tugunin ni Natanael ang paanyaya, higit pa sa kanyang inaasahan ang kanyang nakita: nanalig siya kay Hesus. Higit pa sa naranasan ni Jacob ang pagkakataong ipinagkaloob kay Natanael. 'Nakita' niya kay Hesus ang Diyos sa ating gitna.
Tayong mga binyagan ay mga tunay na Israelita. Inanyayahan at tumugon sa paanyaya ni Hesus. "Come and see."
Pumalaot tayo sa buhay ng pagsunod. Sa ating pananalig, mararanasan natin ang presensya ng Diyos. Makikita natin si Hesus. Siya ang Diyos na sumasaatin... hindi lamang sa loob ng gusaling Simbahan, kundi sa araw-araw na buhay.
"We go to Church on Sundays to celebrate the God we have discovered during the week."
*Agosto 24, Kapistahan ni San Bartolome, Apostol |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|