Sa Isang Salita: 'Gising!' ni Msgr. Noel
25 August 2022
 
Isa sa mga panganib ng pagkakaroon ng maraming salapi, ayon kay C.S. Lewis, ay ang makuntento na lamang tayo sa kasiyahang ibinibigay nito sa atin at makalimutan na natin ang pangangailangan sa Diyos.

Mapanlinlang ang mundo. Hatid nito ang ilusyon na ang pagkakamal ng yaman at kapangyarihan ay sapat na upang mapunuan ang ating hungkag na pag-iral.

"Magbantay kayo," babala ni Hesus sa ebanghelyo. Manatili tayong gisíng. Huwag magpatukso sa panandaliang aliw na dulot ng mundo. Imulat natin ang mga mata sa katotohanang ang lahat ng bagay ay pansamantala. Diyos ang may hawak ng oras, yaman at ng ating buong buhay.

Anumang taglay natin ay pahiram lang ng tunay na May-ari. Tayo'y mga katiwala lamang. Pagyamanin natin anumang kaloob na mayroon tayo. Maging laging handa sa panahon ng pagsusulit.

*Huwebes sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN