Sa Isang Salita: 'Tamad' ni Msgr. Noel
28 August 2022
 
Hindi pwede sa Diyos ang 'pwede na.' Anumang kaloob na tinanggap natin ay dapat linangin at pagyamanin. Sa talinghaga ng talento, sinabi ng panginoon sa katiwalang binigyan ng isang libong piso: "walang silbi at tamad na alipin." Marami man o kaunti ang ating tinanggap, dapat pa ring ipagpasalamat at pagyamanin.
Ang katamaran ay hindi lang ang pag-iwas sa gawa; ito rin ay kawalan ng pagkukusa. Hindi bukambibig ng taong masipag ang mga salitang, "nakakainip naman, wala akong magawa." Kung may pagkukusa, tutuklasin niya sa mapanlikhang paraan ang mga posibilidad para mapaunlad ang sarili nang higit kaysa dati.
Walang kulang sa bigay ng Diyos. Lahat ay sapat lang. Kung may kulang man, ito ay ang kawalan natin ng pagsisikap at tapang na sumubok at mangahas. We must not allow ourselves to be defined by our inward-looking mindset and lack of parrhesia (courage) to be what we are called to be.
Ang kaaway ng paglago o pag-unlad ay katamaran. "The human spirit perishes in mediocrity." Subalit nilikha tayo para magwagi. Huwag nating hayaang matalo tayo nang walang anumang ginawa.
Malaki ang pinuhunan ng Diyos sa bawat isa. Hindi pwede ang 'pwede na.' Laging may magagawa pa.

*Sabado sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN