 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Werpa' ni Msgr. Noel |
| 30 August 2022 |
| |
|
'Bolero' ang tawag sa taong hindi marunong tumupad sa kanyang sinabi. Walang isang salita. Di pwedeng pagkatiwalaan. Walang integridad.
Sa biblia, ang salita ay 'extensyon' ng ating pagkatao. Sumasalamin sa ating karakter ang ating sinasabi.
Ayon sa ebanghelyo, ibang klaseng magsalita si Hesus: may kapangyarihan. Kahit demonyo ay sumusunod. His word is not only powerful; it is power. Anong pinaghuhugutan ng kanyang kapangyarihan?
Bukod sa katotohanang si Hesus mismo ang Salita ng Diyos, Siya ay totoo rin sa kanyang salita. Hindi siya bolero. Bumubukal sa pagsaksi ang kanyang kapangyarihan.
'Witness is power.' Ang pagiging totoo sa ating salita ay kapangyarihan. Ramdam ng mga tao ang katapatan ng kanyang kapwa. Hindi pera o poder ang tunay na makapagpapasunod sa tao, kundi ang mabuting pamumuhay.
Ang mga taong tapat at banal ang tunay na #werpa!
*Martes sa Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|