 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pag-usad' ni Msgr. Noel |
| 02 September 2022 |
| |
|
Mahirap umusad ang mga taong namumuhay sa nakaraan. Kapag nahirati tayo sa lumang gawi, parang ayaw na natin itong iwan. Hindi tayo maka-move on. Ayaw nating tanggapin ang alok ng bagong pasimula.
Ganito ang karanasan ng mga unang Kristiyano. Hindi nila maiwan ang lumang gawi at tradisyon ng Judaismo kahit ang mga ito ay hindi na tumutugma sa bagong aral ng ebanghelyo. Sabi ni Hesus: "hindi maaaring ilagay ang bagong alak sa lumang sisidlan..." Kailangang talikdan ang lumang buhay at yakapin ang bagong diwa ni Kristo.
Tayong mga binyagan ay naging mga "bagong nilalang" kay Kristo. Hindi pwedeng ipilit na 'ilagay' ang ating bagong pagkatao sa 'sisidlang' hindi na angkop sa bagong buhay at dangal. Hindi hÃyang ang masamang ugali sa ngalang Kristiyano na ating tinanggap.
Nawa'y magkatotoo sa atin ang nilalaman ng isang pambungad na panalangin sa Misa: "Ama... gawin Mong kami'y pasulong na makahakbang mula sa dati naming pagkasalawahan tungo sa pagbabagong nagdudulot ng Iyong kabutihan."
*Biyernes sa Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|