 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bilanggo' ni Msgr. Noel |
| 03 September 2022 |
| |
|
Ang bawat araw ng Linggo ay Araw ng Panginoon. Itinuturing natin ito bilang "Easter in miniature." Nangingilin tayo sa araw na ito upang ipagdiwang ang ating paglaya.
Sa Pagkabuhay ng Panginoon noong "unang araw ng sanglinggo," pinalaya Niya tayo mula sa kasalanan at kamatayan. Ito ang ating bagong pagsilang bilang bayan ng Diyos.
Mahalaga ang mangilin. Pero mas mahalaga ang diwa ng pangingilin: ang ipagdiwang ang ating kalayaang tinamo ni Hesus para sa tao. Hindi na tayo alipin ng kasalanan.
Ipinakita sa ebanghelyo kung paano ang mga pariseo ay naging bilanggo ng makitid na pagkaunawa sa batas ng Sabat. Mas minahalaga nila ang sinasabi ng batas kaysa sa diwa nito. Namuhay sila sa ilalim ng batas at hindi sa liwanag ng Pagkabuhay.
Ang batas ay ginawa para itaguyod ang buhay at dangal ng tao. Hindi tayo bilanggo ng batas. Ang batas ay nilikha upang danasin natin ang buhay na ganap at kasiya-siya.
Sa pagsimba natin tuwing Linggo, ipagdiwang natin ang ating dangal bilang mga anak ng Diyos. "For freedom, Christ has set us free."
*Sabado sa Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|