Sa Isang Salita: 'Dunong' ni Msgr. Noel
05 September 2022
 
Hindi lahat ng maalam ay marunong. Sa katunayan, mas maraming alam ang mga tao ngayon dahil sa google at iba pang search engine sa internet. "Info overload" pa nga ang iba dahil sa walang habas na pagbaha ng impormasyon.

Subalit hindi ang dami ng naisilid natin sa isip, kundi ang kabutihang ipinunla natin sa puso, ang sukatan ng dunong. Sa ebanghelyo, ang mga pariseo ay itinuturing na eksperto sa batas at mga bagay ng relihiyon. Pero naging sarado ang kanilang isip sa katotohanan. Nagbulag-bulagan sa tunay na layunin ng batas.

"Alin ba ang mahalaga, ang magligtas ng buhay o pumatay,?" tanong ni Hesus. Ang katapatan ay katambal ng karunungan. Ang taong may dunong ay gumagamit ng puso at hindi lamang ng isip.

Nauunawaan ng puso ang di kayang talusin ng isip. Ang kaalaman na walang kahalong paglingap ay nauuwi sa kapalaluan. "To be wise is to be upright of heart."

*Lunes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN