 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Online' ni Msgr. Noel |
| 06 September 2022 |
| |
|
Sa ugnayan ng tao, komunikasyon ang susi tungo sa mas malalim na relasyon. Nanlalamig ang ugnayan ng dalawang taong hindi na nag-uusap.
Sa ating lipunang hi-tech, mas madali ang komunikasyon. Posible na ngayon ang noon ay ni hindi natin maisip. Ang bagong 'normal': dapat laging online para madali ang usap. Sabi ng facebook founder, Mark Zuckerberg: Connectivity is a human right.
Subalit may masamang epekto rin ito. Nauuwi sa 'faceless communication' ang pagkahumaling ng tao sa social media. Nawawala na ang personal na ugnayan. Kaya ang paalaala: "'Connectivity' is an aid to, not a replacement for, authentic human encounter."
Sa ugnayan sa Diyos, walang kapalit ang ugnayang personal. "Dasal lang talaga." Ito ang direct line natin sa Diyos. Constant communication leads to communion. Sa dasal, masasagap natin ang diwang tama at dapat sa ating mga pasya at gawain sa araw araw.
Ipinakita ito ni Hesus sa ebanghelyo. Bago niya piliin ang Labindalawa, pumunta muna siya sa ilang na lugar upang manalangin.
Subalit hindi lang siya laging nagdarasal. Ang buong buhay ni Hesus ay isang dasal - online sa kalooban ng Ama.
*Martes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|