 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tigib' ni Msgr. Noel |
| 10 September 2022 |
| |
|
Kusang umaapaw ang sisidlang puno ng laman. Mahirap itong ikubli o itago. Pilit itong aawas sa pagdami ng nakalagay.
Ang ating puso ay tulad ng sisidlan. Kung ano ang lagi nating isinisilid dito, kusang aapaw para makita ng lahat. Ipinaliwanag ni Hesus sa ebanghelyo: "Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso."
Sa kabalintunaan, bumubukal ang masamang salita at gawa sa pusong puno ng kasamaan. Hindi ito maaaring ikubli. Likas na lumilitaw ang tunay na ugali ng tao sa kanyang mga pasya at desisyon. Hindi habang panahon maaaring ikubli ng pagkukunwari ang masamang hangaring nakatago sa ating puso.
Kung paanong ang mabuting puno ay makikilala sa pamamagitan ng bunga nito, gayundin naman, ang ating pagkatao ay mahahayag sa pamamagitan ng ating mga sinasabi at ginagawa.
Pagbungahin natin ang Salita ng Diyos sa ating buhay. Ito ang tanging patunay kung tunay at wagas ang ating pananalig. "By their fruit you will recognize them."
*Sabado sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|