Sa Isang Salita: 'Balik-loob' ni Msgr. Noel
11 September 2022
 
"Naabot na ng tao ang 'outer space,' subalit hindi ang 'inner space.'" Ang pinakamahabang paglalakbay ng tao ay ang paglalakbay tungo sa kanyang puso - kung saan makakatagpo ang Diyos.

Sa Talinghaga ng Alibughang Anak, inilarawan ang kasalanan sa pamamagitan ng 'paglayo' sa bahay ng Ama. Sagisag ito ng pamumuhay sa 'labas' - sa pagpapakasasa sa huwad na ligayang dulot ng mundo.

Ang pag-uwi ng alibughang anak sa bahay ng Ama ay isang tunay na 'pagbabalik-loob.' Natauhan siya nang napagtanto at maisa-'loob' niya na "mabuti pa sa bahay ng aking Ama..."

Ani Sto. Tomas, ang kasalanan ay "aversio a Deo et conversio ad creaturam" (paglayo sa Diyos at paglapit sa mga bagay).

Tahakin natin ang daan ng pagbabalik-loob at itakwil ang mga panlabas at panadaliang aliw ng daigdig at tagpuin ang mapagpatawad na Ama sa kaibuturan ng ating mga puso.

*Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN