Sa Isang Salita: 'Wagi' ni Msgr. Noel
14 September 2022
 
Sa kabila ng maraming pagsubok at kabiguan, pag-ibig pa rin ang magtatagumpay. Ito ang kahulugan ng tagumpay ng Krus. Ang pag-ibig ng Diyos ang nanaig, kaya ang kamatayan ay kanyang nalupig.

Ang pagbaba ng Diyos sa ating abang katayuan ay hindi nagpabawas kundi lalo pang nagpaganap sa kanyang pagka-Diyos. Wika ng isang spiritual writer: the kenosis (self-emptying) of Jesus is "not a step away from his divinity but a movement towards Him as He really is: God-with-us."

Ito ang hiwagang isinawalat ng pag-ibig ng Diyos doon sa Krus. May 'bagay' na nawawala sa atin kapag tayo ay nagbigay. Pero may pinagpanibagong 'buhay' namang kapalit ang ating makakamtan.

Sa pag-aalay, tayo makatatanggap. Sa pagpanaw, tayo magkakamit ng buhay.

While the world urges us on to get into living, the Cross teaches us how to find life.
Tahakin natin ang daan ng Krus. Ito ang tiyak na daan tungo sa tagumpay.

*Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN