 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Wais' ni Msgr. Noel |
| 18 September 2022 |
| |
|
Wise o 'wais' ang tawag natin sa mga taong madiskarte o 'street-smart.' Sila ay likas na maparaan at kaya nilang humanap ng praktikal na solusyon sa mga problema. Ang nakapagtataka, ginagamit ng iba ang pagiging 'matalino' sa panlalamang sa kapwa o sa pandaraya.
Ani Hesus sa ebanghelyo, "ang mga makasanlibutan ay mas magaling gumawa ng paraan kaysa maka-Diyos." Sa tunay na buhay, marami ang gumagamit ng kanilang galing, yaman at oras sa mga bagay na walang katuturan kaysa sa mga tunay na mahalaga sa buhay. Madaming mga kaloob mula sa Diyos ang naaaksaya sapagkat di ito nagagamit sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.
Sa talinghaga ng tusong katiwala, dapat nating tularan, hindi ang katusuhan, kundi ang pagka-'wais' nito sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito para kamtin ang makalangit na pagpapala.
*Ikadalawampu't limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|