 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Ilaw' ni Msgr. Noel |
19 September 2022 |
|
|
Kaylanman ay hindi pwedeng ikulong ang liwanag. Pilit itong hahanap ng puwang para suminag sa kadiliman.
Ganito ang bokasyon ng isang Kristiyano. Likas sa atin ang magbigay ng liwanag. "Bonum est diffisivum sui," ayon sa isang kasabihan sa wikang Latin. Ibig sabihin: "The good diffuses itself." Kusang umaawas ang liwanag ng taong mabuti. Ang buhay niya ay nagsisilbing tanglaw sa lipunang nababalot sa karimlan.
Walang sinumang dapat sisihin kapag namayani ang dilim kundi tayo. Sabi ni E. Burke, "evil triumphs when good men do nothing." Sa bawat sandaling tayo ay nananahimik sa harap ng katiwaliang nagaganap sa paligid, pinalalakas natin ang paghahari at pwersa ng dilim sa ating gitna.
Huwag lang nating ibahagi ang liwanag; maging liwanag din tayo sa iba.
*Lunes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|