 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Kapamilya' ni Msgr. Noel |
20 September 2022 |
|
|
Dalawa raw ang 'birthday' ng mga ampon. Una ay ang araw na sila ay isilang ng kanilang nanay; ikalawa ay ang araw na sila ay tanggapin ng kanilang pangalawang magulang sa kanilang buhay. Ang huli ay hudyat ng kanilang bagong pagsilang.
Hindi lang sa dugo nasusukat ang kaugnayan natin sa iba. Higit na malalim kaysa ugnayang pisikal ang ugnayang nakaugat sa espiritu. Sabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”
Malawak ang pamilya ng mga nananalig. Kapatid natin si Hesus; inampon tayo ng Ama sa langit. Mga kapatid sa pananampalataya ang turing natin sa lahat ng binyagan.
Bilang kapamilya ng Diyos, dapat nating taglayin at ipagtanggol ang mga pagpapahalaga ni Hesus sa harap ng mga kalakaran at sistema sa ating panahon na sumasalungat sa kanyang aral . Ito ang tunay na ugnayang nakaugat sa espiritu.
*Martes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|