 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Sagot' ni Msgr. Noel |
23 September 2022 |
|
|
Sabi ng ilang dalubhasa, bago natin masagot ang mga tanong tungkol sa Diyos, dapat muna nating sagutin ang mga tanong tungkol sa mga hiwaga ng buhay. "Man is the question he asks about himself before any question could be asked" (Paul Tillich). Ito ang ilaw at giya sa ating paghahanap sa Diyos.
Questions about our human existence are "logically prior to" any question about Jesus. Katulad ito ng susi: binubuksan ng mga katanungan natin tungkol sa ating buhay ang kahulugan ni Hesus para sa atin.
Nang sagutin ni Pedro ang tanong ni Hesus, "Sino ako para sa inyo,?" malalim ang pinaghugutan niya sa kanyang ipinahayag. Natagpuan niya kay Hesus ang tugon sa kanyang paghahanap. Para kay Pedro, si Hesus ang sagot sa kanyang katanungan hinggil kahulugan ng buhay.
Paano nga ba si Hesus naging tugon sa pinakamalalim na hinahangad ng ating puso?
Saan man tayo naroon ngayon, anuman ang sitwasyon natin sa buhay o ang konteksto natin sa kasaysayan, hanapin natin si Hesus. Siya ang puno't dulo, simula at wakas ng ating paglalakbay sa buhay.
*Biyernes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|