Sa Isang Salita: 'Huwaran' ni Msgr. Noel
08 October 2022
 
"Hindi ka na ma-reach." Ito ang sinasabi natin sa taong nakaaangat sa buhay o malayo na ang narating.

Kung minsan, ganito rin ang turing natin sa Mahal na Birhen at sa mga Banal. Mahirap abutin. Kaiba sa karaniwan. Hindi kayang pamarisan.

Ipinakita sa ebanghelyo na madaling maka-relate kay Maria. Hindi totoong mahirap na siya'y tularan. Wika ni Hesus: "Higit na mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito." Higit pa sa pagiging Ina, si Maria ang unang nakinig at tumalima sa kanyang Anak. Iningatan niya si Hesus, hindi lang sa sinapupunan, kundi sa kanyang puso.

Iisa at hindi mauulit ang pagka-Ina ni Maria sa pisikal na kahulugan nito, ngunit kayang tularan ninuman ang kanyang pagka-disipulo. Sa pakikinig at pagtupad sa Salita, si Maria ang ating huwaran.

Hindi ang paggagayak ng magarang kasuotan ng kanyang imahen, kundi ang pagtulad sa kanyang halimbawa, ang pinakaangkop na pagpaparangal sa ating Mahal na Ina.

*Sabado sa Ikadalawampu't Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN