Sa Isang Salita: 'Espesyal' ni Msgr. Noel
12 October 2022
 
Sino ang tunay na marangal? Ano ang tamang sukatan ng pagtatangi? Bakit may itinuturing ang lipunan na espesyal, subalit may iba na nakakaligtaan?

Kalimitan, ang mga taong may salapi, galing at kapangyarihan lamang ang kinikilalang espesyal ng lipunan. Ang paghusga ng mundo sa tao ay nakabatay sa kanyang social status.

Subalit ang pamantayan ng mundo ay mapanlinlang. Bakit? Itinatanim nito sa ating isip na mas mahalaga ang ating pag-aari at kasikatan kaysa sa dangal at integridad ng pagkatao.

Babala ni Hesus: "Sawimpalad kayo mga pariseo. Gusto ninyong mabigyan ng mga tanging upuan sa mga sinagoga at mabati sa liwasan."

Huwad ang karangalang nakabatay lamang sa estado o posisyon sa buhay. Hungkag ang lahat ng parangal ng mundo kung wala itong katumbas na kabutihan sa puso.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't Walong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN