 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pusong Bato' ni Msgr. Noel |
| 15 October 2022 |
| |
|
Mahirap ang maging sarado ang puso. Nawawalan ng puwang sa pag-ibig. Hindi handang umunawa at magpatawad. Wala ng lugar ang grasya ng pagbabago. Totoo ang sinabi ng isang may-akda: "Hell is the suffering of being unable to love” (F. Dostoevsky). Sa pagtanggi sa alok ng Diyos ng pag-ibig, tao ang lumilikha ng sariling impiyerno.
Mayroong babala si Hesus sa ebanghelyo: "Ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.." Tumutukoy ito sa katigasan ng puso. Ang totoo, lahat ng kasalanan ay may kapatawaran. Subalit kung tao mismo ang tatalikod sa biyaya ng pagsisisi, hindi maipipilit ng Diyos ang kaligtasan.
Ang kasalanan laban sa Espiritu Santo ay tinatawag ding kasalanan laban sa liwanag. Ang taong nagbubulag-bulagan sa katotohanan at katwiran ay nawawalan ng kakayahang magsisi at magbalik-loob.
Hayaan nating tunawin ng apoy ng Espiritu ang mga pusong batong pinatigas ng kapalaluan at kawalan ng gana sa mga bagay na espiritwal.
*Sabado sa Ikadalawampu't Walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|