 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Hangal' ni Msgr. Noel
|
| 17 October 2022 |
| |
|
"Mag-ingat sa lahat ng uri ng kasakiman sapagkat ang dangal ng tao ay wala sa dami ng kanyang ari-arian." Ito ang mensahe ng Talinghaga ng Mayamang Hangal sa ebanghelyo.
Kasalanan ba ang magpayaman o mag-ipon ng salapi? Hindi. Ang tunay na kasalanan ay ang maging mayaman lamang sa pera at maging salat naman sa Diyos. Isang kahangalan ang kumapit sa pera at kaligtaan ang pananagutan sa kapwa. Sabi ni Papa Francisco: "kapag ang salapi at materyal na bagay ay naging sentro ng ating buhay, bibihagin nito ang ating puso at tayo ay magiging alipin.”
Inihalintulad ng Papa ang kasakiman sa salapi sa idolatria o pagsamba sa diyus-diyosan. "The worship of the Golden Calf of old has returned in a new and ruthless guise in the idolatry of money..."
Kasakiman ang sanhi ng pagkawasak ng dangal ng tao at ng kanyang relasyon sa kapwa. Hindi lamang tao ang nasisira ng sa pera. Pati ang kalikasan ay nagiging biktima ng labis na paghahangad sa kayamanan. Ang polusyong dulot ng mga dambulang korporasyon ay maitim na bakas ng kasalanang panlipunan.
“I ask you to ensure that humanity is served by wealth and not ruled by it.” - Pope Francis
*Lunes sa Ikadalawampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|