 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Layunin' ni Msgr. Noel |
| 27 October 2022 |
| |
|
"God doesn't play dice," sabi ng physicist na si Albert Einstein. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Ang ating pag-iral ay may layunin. Hindi nagbabakasakali ang Diyos. May pangarap siya para sa bawat isa.
Ito ang malinaw sa ministeryo ni Kristo. May tinutungo ang kanyang misyon. Walang sinuman ang makapipigil para mapangyari ang plano ng Diyos.
Tugon ni Hesus sa mga pariseong nagbabanta sa kanya, "tatapusin ko ang aking gawain... dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta!"
Hanggang sa huli, tinupad ni Hesus ang layunin ng pagkasugo sa kanya. Ang kanyang kamatayan ang rurok ng kanyang buhay na ginugol sa paglilingkod.
Gugulin nawa natin ang ating buhay ayon sa layunin ng Lumikha. Ang buhay ay hindi sugal. May plano ang Diyos. Tiyak ang ating panalo sa pakikiisa sa katuparan ng Kanyang pangarap.
*Huwebes sa Ikatatlumpong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|