 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Saksi' ni Msgr. Noel |
| 28 October 2022 |
| |
|
Ayon sa mga teologo, may tatlong uri ng pagiging saksi ang ating Simbahan:
* Ang pagsaksi ng mga apostol: sila ang tulay na nag-uugnay sa atin sa buhay at ministeryo ni Hesus. Tinatawag ang Simbahan na apostoliko sapagkat sa kanilang pagsaksi nakabatay ang turo at aral ng Simbahan.
* Ang pagsaksi ng Espiritu Santo, na siyang nagbibigay-buhay at kabanalan sa Simbahan. The Holy Spirit is the agent of mission and evangelization.
* Ang pagsaksi ng Simbahan, ang komunidad ng mga nananalig, sa ebanghelyo ni Kristo. Dapat makita sa buhay ng mga Kristiyano ang mga pagpapahalaga ng Mabuting Balita ni Kristo.
Ang hamon sa atin ni Papa San Juan Pablo II: "Do you live what you believe? Do you really preach what you live? The witness of life has become more than ever an essential condition for real effectiveness in preaching." ( Evangelii Nuntiandi, 1975)
Muli nating iparinig ang ebanghelyo sa ating panahon. Ito ang hamon ng 'new evangelization.' "Today the Church must push forward to new frontiers... in the new evangelization of those peoples who have already heard Christ proclaimed.“ (JP II, Redemptoris Missio)
*Oktubre 28, 2022, Kapistahan ni San Judas Tadeo |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|