Sa Isang Salita: 'Kapalit' ni Msgr. Noel
31 October 2022
 
Tila naging normal na sa ating kultura ang pagkalooban ng premyo o parangal ang mga nakagawa ng mabuti. Subalit sa mga taong wagas ang hangaring maglingkod, hindi na mahalaga ang mga parangal. May gantimpala man o wala, gagawa pa rin sila ng kabutihan. Hindi na kailangan ang 'streamer' o 'tarpaulin' para i-anunsyo sa publiko ang mga nagawa.

“Kapag naghahanda ka," paalaala ni Hesus, "huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka na."

Ang Kristiyanong pamumuhay ay parang pagsusulit: ang higit na mahalaga ay hindi ang grade na matanggap, kundi ang karunungang nakamtan bunga ng pagsisikap. Sa pusong tunay na nagmamahal, likas ang magbigay nang walang hinihintay na kapalit.

"Love until it no longer hurts." Bahagi ng pagmamahal ang sakripisyo. Ang sakripisyo ay ekspresyon ng pagmamahal.

*Lunes sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN