Sa Isang Salita: 'Banal' ni Msgr. Noel
01 November 2022
 
Noong una, ang kabanalan ay paglayo sa mundo. "Holiness means separation." Ang mga taong banal ay dapat mabuhay nang hiwalay sa mga 'di-banal.'

Ngunit ngayon, mayroon tayong kakaibang pananaw at panawagan. Hindi natin matatagpuan ang Diyos sa iisa lamang lugar sapagkat ang Diyos ay sumasa-lahat ng lugar. Ang maging banal sa ating panahon ay ang magsabuhay ng ebanghelyo sa gitna ng kaabalahan ng mundo. Anang isang teologo: "outside the world, there is no salvation." Ang daigdig ang pinakaangkop na lugar kung saan tayo tinatawag na maging banal.

Iisa ang panawagan ng Diyos sa lahat ng tao: ang maging banal sa iba't ibang paraan at larangan ng pamumuhay.

Ang kabanalan ang pinakamabisang saksi ng katotohanan ng Simbahan at ng kanyang mga araw. Bahagi ng isang tula ay ganito ang nilalaman:

"We need saints without veil or cassock.
We need saints who wear jeans and sneakers.
We need saints who go to the movies, listen to music and hang out with friends.

We need modern saints, Saints of the 21st century with a spirituality that is part of our time.
We need saints committed to the poor and the necessary social changes.

We need saints who live in the world and who are sanctified in the world, who are not afraid to live in the world."

*Nobyembre 1, 2022, Solemnidad ng Lahat ng mga Banal

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN