Sa Isang Salita: 'Takot' ni Msgr. Noel
02 November 2022
 
Likas sa tao ang matakot sa kamatayan. Subalit may higit pa sa kamatayan na dapat katakutan: ang umiral nang walang katuturan ang buhay. Sabi ni Rosa Parks, isang civil rights advocate: "Without vision, the people will perish, and without courage and inspiration, dreams will die.”

Kakaiba ang pananaw ng mga taong namamatay na bayani at martir. Iniaalay nila ang buhay para Diyos at sa bayan. Batid nilang sa kanilang pagpanaw, higit pa sa buhay ang kanilang makakamtan. "If they kill me, I will rise again in the people of El Salvador," ani San Oscar Romero, ang Arsobispong Martir ng El Salvador.

Sawimpalad ang mga taong ipinagpapalit ang prinsipyo at dangal sa salapi at yaman. Habang sila'y nabubuhay sa kasaganaan, namamatay naman ang kanilang espiritu sa kasakiman.

"Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live." (N. Cousins)

*Nobyembre 2, Pag-aalaala sa mga Yumao

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN