 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Perang-Diyos' ni Msgr. Noel |
| 05 November 2022 |
| |
|
Makahulugan ang pagkakasalin sa ating wika ng bahaging ito ng ebanghelyo ni San Lukas sa Edisyong Pastoral ng Biblia: "Gamitin ninyo ang di-matuwid na perang-diyos para magkaroon ng mga kaibigan..." (16: 9).
Nagiging 'di-matuwid' ang pera kapag hinayaan nating 'nakawin' nito ang ating puso sa Diyos. Sabi ni Papa Francisco: "silipin natin sa kaibuturan ng ating puso kung saan natin natatagpuan ang ating seguridad sa buhay..." (Gaudete et Exultate, 67). Tayo'y nagiging alipin ng 'perang-diyos,' kapag sa kayamanan natin inilagay ang katiyakan ng buhay.
Hindi masama ang pera sa kanyang ganang sarili kung ito ay 'gagamitin' sa pakikipagkaibigan. Ibig sabihin, ang ating kayamanan ay dapat maging paraan ng pagdamay at paglingap. Sa ating pakikipagkaibigan sa mga dukha at nangangailangan, nagkakaroon tayo ng lugar sa tahanan ng ating Ama sa langit.
Wika ni San Juan Crisostomo: “Not to share our wealth with the poor is to rob them and take away their livelihood. The riches we possess are not our own, but theirs as well."
*Sabado sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|