Sa Isang Salita: 'Eternal' ni Msgr. Noel
06 November 2022
 
Sa mga taong hindi naniniwalang may langit, tulad ng mga Saduseo, iisa ang paliwanag ni Hesus: saklaw ng paglingap ng Diyos kahit na ang mga naunang yumao sa atin. Ang Kanyang pag-ibig ay lampas sa hangganan ng kamatayan. Sa Kanyang pag-ibig ay walang pagpanaw . "Siya ang Diyos ng ating mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob."

Makahulugan ang mensahe ng awit na "Sana'y wala nang wakas." Tila ang Diyos ang nagpapahayag sa atin ng nakasaad sa isang linya nito: "Walang hanggan ay hahamakin... 'pagkat walang katapusan kitang iibigin."

Ganito rin ang sinasabi ng spiritual writer na si Henri Nouwen: "Love - deep, human love - does not know death... It will always reach out toward the eternal."

Sa buhay na ito, nagsisimula na tayong magpunla ng binhi ng walang hanggang buhay. Sa pag-aalay ng panahon, talino at yaman para itaguyod ang kanyang Paghahari, nasusulyapan na natin ang langit na gantimpala.

Dapat nating paghandaan ay ang buhay na darating. Ayon kay John Carrano: "The greatest gift that God has given you is who he has created you to be." Ipinagkatiwala ng Diyos ang lahat para tayo ay lumago sa uri ng buhay na nais niya para sa atin.

Dapat nating gamitin nang mahusay ang mga pagpapalang mayroon tayo. "Bilang mabuting katiwala ng mga iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa." (1 Pedro 4:10)

Kahit na mamatay, ang katiwalang tapat ay mananatili kaylanman. "What we do for ourselves dies with us. What we do for others and the world, remains and is immortal." - A. Pine

*Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN