Sa Isang Salita: 'IM Ready' ni Msgr. Noel
11 November 2022
 
"Maging handa. Maging ligtas. Magplano para sigurado!" Ito ang payo ng isang weather forecaster. Dumarating ang mga kalamidad na di natin inaasahan.

Sa buhay, kailangang mag-isip at magnilay. Ani Socrates, "an unexamined life is not worth living." Baka dumating ang ating wakas na hindi tayo namuhay nang ganap at karapat-dapat.

Ganito ang pagdating ng huling araw. Tulad noong kapanahunan ni Noe, "ang mga tao'y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw... na dumating ang baha at namatay silang lahat."

Walang nakaaalam ng pagdating ng ating oras. Bawat araw ay isang biyaya para maghanda. "Ngayon," ang pamagat ng isang awit, na ganito ang ipinahayag sa isang talata:

"Sa buhay mong hiram,/ mahigpit man ang kapit.
May bukas na sa iyo'y 'di na rin sasapit.
Ngunit kung bawa't ngayo'y dakila mong nagamit./
Masasabi mong kahit na ang bukas,/ 'di sumapit pa,/ ang naabot mo'y langit na!"

*Biyernes sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN