 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dasal' ni Msgr. Noel |
| 12 November 2022 |
| |
|
Hindi masama ang maging makulit sa pananalangin. Isa itong pagpapahayag ng ating simple at tapat na pananalig.
Kung ipinagkaloob ng balakyot na hukom sa ebanghelyo ang kahilingan ng babaeng balo dahil sa kakulitan nito, gaano pa kaya ang mga tao na walang humpay na nagdarasal sa Diyos? Ang ating Ama sa langit ay hindi lamang makatarungan; siya rin ay puspos ng awa.
Sa pananalangin, taglayin natin ang kaloobang tulad ng sa bata. Manalig tayo sa pagkamapagbigay ng ating Ama sa ating pananalangin.
Kung tila nagtatagal ang pagtugon ng Diyos sa ating dasal, ito ay upang turuan ang ating puso na hangarin lang ang mga bagay na ayon sa kalooban niya.
Higit na dakilang biyaya ang nakalaan sa mga mga marunong magtiyaga.
*Sabado sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|